Ka Tunying: "Akala ko malakas na ako, marupok pala.."




Bumilib ang mga netizens sa tapang ng panganay na anak ng broadcast journalist na si Anthony "Ka Tunying" Taberna na nakikipaglaban ngayon sa salit na leukemia.

Sa unang pagkakataon, ipinost ni Ka Tunying ang litrato ni Zoey sa kanyang Instagram account matapos nga itong magpakalbo dahil sa kanyang chemotherapy.

"Hindi ko akalain na papayag si Zoey na ipakita sa madla ang larawan na ito. Nakangiti siya pero alam kong durog na durog ang puso niya nung nag umpisang malugas ang kaniyang buhok dahil sa chemotherapy. Nung pumayag si Zoey na magpakalbo at nalaman kong papunta na sa ospital ang misis ko kasama si Ate Tet, umalis na muna ako. Akala ko ay malakas na ako. Marupok pala. May video habang kinakalbo si Zoey. At tuwing makikita ko iyon, hindi ko Mapigil ang pagpatak ng aking luha. Ang wala o maikling buhok ang isa sa dahilan ng insecurity ni Zoey. Pero nung makita kong ipinost niya, nagpaalam ako na ipo-post ko rin. Hanga ako sa tapang ng aming panganay. I love you, Zoey. Andito pala ang kaniyang instagram, may post siya tungkol sa kaniyang journey." 
 

Bumuhos naman ang inspiring message mula sa netizens para kay Zoey. 

Ayon sa kanila, ipagdarasal nila ang mabilis na paggaling ng anak ni Anthony kasabay ng pagsasabing huwag itong susuko sa laban.

"Zoey is BRAVER and STRONGER than before πŸ‘ŠπŸΌπŸ”₯πŸ™ŒπŸΌ"

"Stay strong Zoey! God bless you! ❤️πŸ™Œ "
 
"Unless I am mistaken Ive never met your baby girl before but please pass my munting message that I admire her for her strength. ❤️ Kahanga hanga yung lakas ng loob nya na harapin ang pagsubok na to ng buong tapang. ❤️ Magpagaling ka Zoey ❤️❤️❤️ In Gods grace po malalampasan nyo rin ito"

"Ipapanalangin namin si Zoey Ka Tunying."

"Galing mo zoey! Stay strong! God bless you and your family! πŸ™πŸ˜˜"

"Stay strong and get well Zoey πŸ™ŒπŸΌπŸ’ͺπŸΌπŸ™πŸ»❤️ "

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo