Pops Fernandez, Dawit sa hiwalayan nina Derek Ramsay at Andrea Torres

Lumulutang ngayon ang pangalan ng singer na si Pops Fernandez na ayon sa ilang netizens ay umanong third party sa naging hiwalayan sa pagitan nina Derek Ramsay at Andrea Torres.
Ilang araw mapabalita ang hiwalayan ng dalawa ay si Pops Fernandez ang kasakasama ni Derek Ramsay, dahil silang dalawa ang kinuhang bilang mga bagong environmental advocates sa DENR para sa pagpoproteksiyon sa endangered wet lands o "gabay kalikasan."


Dahil dito ay hindi maiiwasan na makita sina Pops at Derek sa mga events na magkasama at sa nakaraang linggo ay nainterview ni Pops si Derek sa kanyang YouTube channel.
Kaya naman ilang netizens ang binigyan ito ng kulay at malisya at idinawit ang pangalan ni Pops sa breakup nina Derek at Andrea.
Isang netizen ang nagcomment sa post ni Derek at sinabing si Pops ang nagwagi at old woman naman daw ngayon ang gusto ni Derek.
Sinagot naman agad ito ni Derek at sinabing lahat nalamang ay binibigyan ng isyu.

Comments
Post a Comment