Jericho Rosales at asawang si Kim, sinuong ang baha gamit ang surfboards para sagipin ang mga kababayan na-stranded sa Marikina City




“Ayaw na nilang lumabas ng bahay, e. Takot sila kasi gusto nila may coast [guard] sana,” - Jericho Rosales

Kabilang ang Marikina sa nakaranas ng hagupit ng bagyong Ulysses.

Dahil sa tuluy-tuloy na buhos ng ulan, umabot na sa 22 meters ang water level sa Marikina River, mas mataas pa kesa sa level ng tubig nito na 21.5 meters noong rumagasa ang bagyong Ondoy.

Dahil dito binaha din ang village kung saan nakatira ang celebrity na sina Jericho Rosales at Kim Jones.


Kaya naman gamit ang surfboards ng mag-asawa sumuong sila sa baha para tulungan ang kanilang mga ka-village sa Marikina City.

“This morning paglabas namin, baha na. Usually kapag baha dito kasi, ganyan talaga. Laging ganyan ang problema. Sometimes walang boats or flotation devices so naglabas kami ni Kim ng surfboard,” sabi ni Jericho. 


“Okay naman ['yung mga napuntahan namin sa bahay], safe naman sila, thank God. May mga iba lang na hindi na mapuntahan nung rescue teams kasi malakas na 'yung agos and wala pang boats,” dagdag pa niya.

Matatandaan na taong 2009 ay ginawa din ni Jericho ang parehong pagtulong sa kanyang mga kababayan sa kasagsagan naman ng bagyong Ondoy.



Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo