IDOL Raffy, Handa pa rin tulungan si Michelle Lhor Bana-ag ayon sa kanyang manager na si Ogie Diaz




“’Yun ang nakakatuwa kay Kuya Raffy ‘no? ‘Yung may puso pa rin," 

Kamakailan ay ibinahagi ng manager ni Raffy Tulfo na si Ogie Diaz sa publiko ang desisyon ni idol sa pagtulong sa dating live-in partner ni Tekla na si Michelle Lhor Bana-ag.

Sa latest vlog ni Ogie kasama ang tanyag na celebrity stylist na si Mama Loi, isiniwalat ng talent manager na handa pa rin si idol Raffy tulungan si Michelle sa isang kundisyon.

"Diba madaming tinutulungan si kuya, tapos nabanggit din niya na tutulungan din nya si Michelle tapos biglang binawi. Ano sa tingin mo tutulungan pa rin kaya nya si Michelle?" tanong ni Mama Loi kay Ogie.

"Alam mo kausap ko si kuya dyan. Nakakatuwa si Kuya Raffy kasi sabi niya, ‘Ogie, gusto ko pa rin tulungan ‘tong Michelle, provided, willing siyang magbago.’” sagot ni Ogie.

Paanong pagbabago?

“Willing siyang sumailalim sa proseso ng pagbabago. Alam mo na kung ano ‘yung sinasabi ko. Na masisiguro lang natin na siya ay hindi na babalik sa kanyang dating bisyo. Dahil alam mo, nanay pa rin ‘yan Ogie, gusto pa rin natin na makapiling niya ‘yung anak niya. Maging deserving siya na nasa kanya ang kustodiya, kung talagang makikita natin ang pagbabago sa kanya,” sabi umano ni idol Raffy kay Ogie.

“’Yun ang nakakatuwa kay Kuya Raffy ‘no? ‘Yung may puso pa rin," sabi ni Ogie.

"Hindi naman porke sinabi ni Kuya Raffy na, ‘Naku di kita tutulungan. Ngipin na naging gilagid pa.’ Ang kondisyon niya ngayon ay willing bang magbago si Michelle. ‘Pag willing, kaagapay siya ni Kuya Raffy sa pagbabago niya.” dagdag ni Ogie. 

Panoorin ang video sa ibaba:  



Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo