Grade 7 student na naghanap ng cellphone signal para sa module, natagpuang patay



Isang Grade 7 student sa San Narciso, Quezon na naghahanap ng signal ng mobile phone para sa kanyang online class ay natagpuang patay na walang damit at tadtad ng mga saksak.

Ayon sa report ang 12-taong-gulang na si Vee Anne Banico ay nagpunta sa isang masukal na bahagi ng bundok sa Barangay Punta dahil nais niyang mag-online upang makipag-usap sa isang guro tungkol sa isang modyul.

Sinabi ng kanyang lolo na nagpaalam ang kanyang apo noong Biyernes ng umaga. 

Nang hindi na nila makontak ang cellphone matapos ang isang oras hinanap nila ito at natagpuan siyang walang buhay na walang damit at maraming sugat ng saksak.

“‘Yung bangkay nung aking apo na nasa supalan, may mga sugat ho, may sugat ho sa leeg na sa tingin ko’y- tsaka marami pa po sa katawan,” sabi ng Lolo.

“Ako naman ay nakikiusap sayo na panagutan mo ang ginawa mo sa aking apo. Sapagkat pinigil mo ang kaniyang magandang turo eh, ang future niya,” sabi ng Lolo.

Ino-autopsy  na ang labi ni Vee Anne habang ginagawa ang imbestigasyon.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo