Driver ng SUV na tumakas sa Engkuwentro sa Cavite, nasa Camp Crame na




Sumuko na ang driver ng SUV na isa sa suspek sa shootout na naganap sa Cavite City na kinilalang si Reymundo de Leon Suniga, 34, tubong Barangay Salomague,  Bugallon, Pangasinan.

Si Zuniga ay tumakas habang binabaril ng kanyang amo na si Methusael Brown Cebrian ang mga miyembro Cavite-HPG nang sitahin ang sinasakyan nilang Nissan Terra na walang plaka at conduction sticker sa isang anti carnapping operation sa Manila -Cavite Road, Brgy. 8, Pulo 3, Cavite City. 

Ang suspek ay dinala ng mga tauhan ng SOD-HPG sa Camp Crame Quezon City sa pamumuno ni PCMS Edison Manocum ng Cavite City-PNP.

Ayon kay PNP-HPG chief Police Brigadier General Alexander Tagum, sasampahan ng mga reklamong kriminal si Zuñiga dahil umano sa pagiging parte nito sa krimen.



Nabatid na matapos ang engkuwentro ay dumating sa crime scene ang misis ni Cebrian na siyang opisyal ng Navy at positibong kinilala na mister niya ang napatay.

Ang sasakyan na ginamit ng suspek ay na-turn over na din sa pulisya para sa imbestigasyon at tamang disposisyon.


Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo