Bilanggo sa La Union na may sintomas ng COVID nakatakas matapos ubuhan sa mukha ang bantay na pulis




Nakatakas mula sa mga awtoridad ang isang preso sa La Union, na may mga sintomas ng COVID-19, matapos ubuhan at bahingan sa mukha ang kaniyang escort na pulis habang inihahatid siya sa isang pagamutan Biyernes ng madaling araw.

Ayon sa report, ihahatid sa La Union Medical Center ang presong si Teofilo Doctolero Lopez para sa medical checkup nang alisin nito ang face mask at makaulit na inubuhan ang mukha ni Pat. Ronald Macalino.

Dahil dito, hininto ni Macalino ang sasakyan at nag-disinfect.

Habang naghuhugas ng kamay at mukha ang pulis, sinamantala ng preso ang pagkakataon at kaagad itong tumalon mula sa sasakyan at tumakbo papalayo.

Hinabol ni Macalino at ng drayber ng sasakyan ang preso pero hindi na nila ito naabutan.

Tinutugis na ngayon ang nakapuslit na inmate matapos maglunsad ng manhunt operation ang maykapangyarihan.

Kasunod nito, sasampahan naman ng kasong administratibo si Macalino dahil sa negligence.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo