Actual Video | HPG officer at suspek patay sa hindi inaasahang engkuwentro sa Cavite City



Patay ang isang miyembro ng PNP-Highway Patrol Group na si Police Chief Master Sgt. Julius Arcalas matapos mauwi sa engkuwentro ang isinagawang checkpoint sa Cavite City nitong Biyernes ng hapon.

Napatay rin ang isa sa mga suspek na si Methusael Cebrian, asawa ng isang Philippine Navy Officer. 

Ayon sa report ,nagsasagawa ng anti-carnapping operation si Arcalas at mga kasamahan niya na sina Police Capt. Eduardo Joy Danao Guadamor at PSSg Emerson Domingo nang harangin nila ang isang kulay gray na Nisaan Terra na walang plaka at walang conduction sticker, na lulan ang dalawang lalaki.


Nagpakilala umano ang dalawang lalaki na miyembro ng Philippine Navy at may nakitang Navy uniform sa loob ng sasakyan.

Dahil may violation, sinubukan  na kunin ni Arcalas ang lisensiya at OR-CR ng mga salarin. 

Subalit tumanggi ang mga ito.

Bumaba si ang isa sa lalaki na si Cebrian ng sasakyan tsaka pinagbabaril si Arcalas gamit ang 5.56 Bushmaster, ayon sa pulisya.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis at napatay nila si Cebrian habang mabilis na nakatakas ang kasamahang driver nito papunta sa direksiyon ng Noveleta.

Napuruhan sa ulo si Police Chief Master Sgt. Arcalas kaya dead-on-arrival siya sa Cavite Medical Center.


Comments

Post a Comment

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo