Unang live-in partner ni Tekla sa loob ng 8 taon, nagsalita na rin



"Hindi naman po siya ganung klaseng tao"  -Airyn Gonzales

Sa kasagsagan ng kontrebersiya na kinakaharap ng komedyanteng si Super Tekla, biglang lumitaw sa eksena at nagsalita ang dati nitong kinakasama na si Airyn Gonzales.

Sa part 4 ng Tekla serye sa programang Raffy Tulfo in Action ikinwento ni Airyn kay idol Raffy ang tunay na ugali at pagkatao ng dati nitong kasintahan.

Ayon kay Airyn walong taon silang nagsama ni Tekla at mayroon silang isang anak.

Kwento niya nagkahiwalay sila ng komedyante dahil pag-aabroad nito. 

"Bakit po kayo nagkahiwalay?" tanong ni idol Raffy Tulfo

"Kasi medyo bata pa ako, gusto kong maabot ang pangarap ko na matulungan yung pamilya ko kaya nag-abroad ako." sagot ni Airyn

Dagdag pa niya na ayaw umano siyang payagan ni Tekla sa plano nitong pagabroad pero pinilit pa rin daw niya ang gusto niya kaya sila nagkahiwalay.

"Ayaw niya po kasing pumayag pero tinuloy ko pa rin yung gusto ko." ani Airyn.

Nagbigay rin ng komento si Airyn patungkol sa akusasyon ni Michelle na manyak umano si Tekla.

"Mag-kocoment lang din ako dun sa naririnig ko na manyak raw siya, hindi naman po siya ganung klaseng tao"  sabi ni Airyn. 

"Sa walong taon naming magkasama, hindi naman po niya nagawa sakin na ganun" 

"Nakaka-exag naman pakinggan na ginutom ka, ginutom ka talaga?" 

"Hindi naman po aabot sana sa ganyan, pwede naman po yun pag-usapan" 

"Nasa magandang pag-uusap lang po talaga namin yun dati," ang ilan sa mga nasabing pahayag ni Airyn patungkol kay Tekla. 



Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo