Tingnan ang kasalukuyang sitwasyon ni Super Tekla sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap

"Kung meron mang ginugutom sa totoo lang yung totoong pamilya ko, kasi di ko nasuportahan dahil sa kanila" -Super Tekla
Binisita ni Donita Nose ang kanyang katrabaho at kaibigan na si Super Tekla sa condo unit nito matapos na iiwan ng kanyang dating live-in partner at mga kamag-anak nito.
Sa video na inupload sa donekla in Tandem YouTube channel makikita kung gaano kalalat ang unit na iniwan ng mga dating kasama ni Tekla.

Kinumusta ni Donita Nose ang kanyang kaibigan na kahit na paano'y nakakangiti na sa ngayon habang tinutulungan niyang linisin ang nasalaulang tahanan ng komedyante.
Ayon kay Tekla aminado siyang devastated siya mula nang lumabas ang mga pasabog laban sa kanya na halos hindi siya makalabas ng kanyang condo.

Sinabi din ni Tekla na napabayaan na niya ang kanyang sariling pamilya alang-alang sa live-in partner nitong si Michelle.
"Kung meron mang ginugutom sa totoo lang yung totoong pamilya ko, kasi di ko nasuportahan dahil sa kanila" sabi ni Tekla

Ayon pa kay Tekla, fully-furnished niyang nakuha ang kanyang condo unit subalit naibenta di umano ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag ang mga gamit na nadatnan nila noon, kaya naman namomroblema siya ngayon sa pagbabayad sa mga ito.
"Namomroblema lang kasi ako noong nilipatan ko ito dito maayos lahat, so hindi ako makakaalis dito hangga't hindi ko siya naibabalik sa tamang kung anong itsura niya noong pinuntahan ko" sabi ni Tekla
"Lahat pinagbebenta, ayaw ko nang i-mention, pero binenta niya... Di nila alam kung ilang libong gagastusin ko dito!" dagdag pa niya.
super tekla, be strong jud, ug pray sa mahal na dios aru makayanan nimo kining mga pagsulay.naa kay insperation imong anak daku n sya. naa imong mga amigo ug mga amega ug mga fans nga love ka, amping sa kanunay,,, love you,,, donita salamat pud ky naa aru mapagaan ang hibati ni tekla. tunay kang kaibigan. morw power sa inyong dalawa..💪👍👊💖👼
ReplyDeleteKaya mo yn Tekla. Tandaan mo hindi ikaw ang nasira kundi cya. We are with u. Be strong and always pray. The Lord will guide u. God is good all the time.....Godbless U
ReplyDeleteWalang ya,! Hugawan bayhana!
ReplyDelete