Super Tekla, Makukulong? Michelle Lhor Bana-ag sinagot ang tanong sa kanya ni Ogie Diaz

Naging headline si Super Tekla matapos siyang ireklamo ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo.
Sinabi ni Michelle na hindi sila ng anak niya binibigyan ng komedyante ng pera kahit pambili ng pagkain kung hindi siya papayag na makipag-siping kay Tekla.
Sa October 21, 2020 episode ng Wanted sa Radyo ni idol Rafy Tulfo nagsalita at dinepensahan nina Ogie Diaz at Donita Nose ang kaibigan nilang si Tekla.
Maging ang manager nitong si Rose Conde ay nagbigay rin ng pahayag sa programa.

Ayon sa manager, siya mismo ang nagsabi kay Tekla na hiwalayan na nito si Michelle Lhor Bana-ag dahil walang maidudulot na maganda sa kanya, pero hindi raw ito ginawa ni super Tekla dahil mahal niya ito.
Direktang namang tinanong ni Ogie Diaz ang partner ni Tekla kung ano ba ang gusto nitong mangyari, kung makikipag-ayos ba o itutuloy ang reklamo at ipakulong si Tekla.
"Itatanong ko lang kay Michelle, sa puno't dulo nito anong gusto niyang maging resulta nito ma-ayos sila ni tekla o gusto niyang makulong si Tekla?" tanong ni Ogie
Panoorin ang video sa ibaba:
Much better qng magkaayos nalng kau.qng tlgang mahal nio ang isat isa!☺️
ReplyDelete