Silipin Loob ng Condo ni Tekla: Ang unang pagkikita Donita ni Tekla matapos pumutok ang kontrobersiya

"Akala ko sa akin lang sila galit yun pala pati dito rin pala sa unit ko, sana pati rin ito sinumbong nita" - Super Tekla

Sa YouTube channel na "Donekla in Tandem" na mayroon ng mahigit sa 400,000 subscribers, pinakita ang sitwasyon at itsura ng condo unit ni Tekla matapos umalis ng live-in partner ni Tekla na si Michelle Lhor at ng buong mag-anak nito.
Sa video makikita ang mga kalat sa sahig at sa lababo.

Ayon kay Tekla, naglinis daw muna siya bago siya umalis ng condo para magtrabaho.


Ayon pa kay Tekla marami daw siyang babayaran sa condo dahil sa fully-furnished niya itong nakuha at sinabing binenta ng kanyang ive-in partner ang ilan sa mga gamit, kaya babayaran daw niya ang mga ito sa owner ng condo.
Panoorin ang video sa ibaba:
Comments
Post a Comment