Sekyu sa Immigration na P10K ang buwanang sahod, may P14 Milyon ari-arian nabisto sa lifestyle check

Ikinagulat ng mga awtoridad ang nadiskubreng nakakalulang yaman ng mga taga-Bureau of Immigration na sangkot umano sa "pastillas scheme."
Katulad na lamang ng isang security guard na may buwanang sahod ng P10,000—pero may ari-ariang aabot sa P14 million.
Ayon sa NBI na nagdeklara ang security guard sa kaniyang SALN noong 2018 ng kabuuang ari-arian na umaabot sa mahigit P14 milyon.
Idineklara umano ng security guard na nakabili siya ng bahay na nagkakahalaga ng P4.5 milyon, may mga alahas, dalawang sasakyan na SUV ang isa, at nakakabiyahe sa ibang bansa ng walong beses sa isang taon kabilang na sa Japan, Amerika, at Europe.
“Ang security guard, salary grade 4 or 5 lang ‘yan… So more or less kung sumesuweldo ‘yan, P8,000 ang maximum. P8,000 to P10,000 ‘yan a month,” paliwanag ni Jun Donggalio, NBI Special Action unit chief.
“Pag sobrang laki naman ng idineklera mo na hindi mo na maja-justify… it is safe to say na puwedeng may kinalaman ka talaga diyan sa 'pastillas',” dagdag niya.
Comments
Post a Comment