Sakristang babae na ginahasa umano ng pari, inalok ng pera upang iatras ang kaso

Labis na nag-aalala ang kaanak lalo na ang ina ng sakristang babae na ginahasa umano ng isang pari sa Lala, Lanao Del Norte.
Ayon sa ina ng biktima, madalas tulala ang kanyang anak at nagkukulong lang sa kwarto.
Sa labis na kahihiyan nagpasya ang mga ito na umalis muna sa kanilang tahanan at pansamantalang ilayo ang anak.
Subalit ang isa pang masakit aniya, inalok umano siya ng 100,000 piso ng isang ring pari na kaibigan ng suspek upang iurong umano ang kaso.
"Sabi ko sa kanya pag-isipan ko muna ang nangyari sa aking anak" sagot ng ina ng alukin umano ito ng pera.
Kinumpirma naman ng hepe ng police station ng Lala na may nag-alok nga ng pera sa kaanak ng biktima.
"Marami akong narinig na mayroong nag-ooffer at everyday daw tumataas ang offer"
Sa ngayon, hinihintay pa ang resolusyon ng piskalya dahil narin sa kahilingan ng suspek na magkaroon ng imbestigasyon sa kaso at masagot ang akusasyon ng biktima.
Comments
Post a Comment