Sabong, Papayagan na sa mga lugar sa ilalim ng MGCQ, ayon sa IATF

Inalis ng IATF ang pagbabawal sa mga cockfighting activities ngunit nalalapat lamang ito sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) o lower classification.
Sa isang resolusyon na naaprubahan noong Huwebes, sinabi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na ang mga lisensyadong sabungan at ang pagsasagawa ng mga cockfighting activities ay dapat na sundin ang mga health and safety protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus.
Ipinagbabawal naman ang in-person audience, online o remote betting, at ang live na pag-broadcast ng mga sabong.
Ang IATF ay hindi nagbigay ng mga detalye sa kung paano mapapanood ng publiko ang mga cockfighting activities.
“[T]he local government units shall have the final decision on whether the operation of licensed cockpits and conduct of cockfighting activities can proceed in their respective localities,” sinabi ng IATF.
Pinayagan din ng IATF ang mga off-track horse race betting stations sa mga lugar na nasa ilalim sa general community quarantine o mas mababang classification.
Comments
Post a Comment