Reno liver spread, Balik-merkado na

Mabibili nang muli sa mga pamilihan ang Reno liver spread.
Ito’y matapos makakuha ng Reno liver spread ng certificate of production registration (CPR) sa Food and Drug Administration (FDA).
Ito ay kinumpirma ni FDA Director General Eric Domingo ngayong Biyernes.
“Yes, they [Reno liver spread] have a CPR (certificate of product registration),” sabi ni Domingo.
Noong nakaraang dalawang linggo umano nakakuha ng CPR ang manufacturer ng Reno.
Magugunita na noong Setyembre 16, naglabas ang isang advisory ang FDA na nagbabala sa publiko sa pagbili ng Reno liver spread sapagkat ang produkto ay hindi kailanman sumailalim sa evaluation ng ahensya.
Comments
Post a Comment