Raffy Tulfo, Pinayuhan si Tekla na Magsalita na kaugnay ng issue na kinakaharap nito

"May mga netizen na nagsasabi na baka pera lang ang habol nito at baka planted yung mga videos na ipinadala sa amin. Sabi ko, 'Pwede.’ " -idol Raffy Tulfo
Pinayuhan ni Action man idol Raffy Tulfo si Super Tekla hinggil sa mabibigat na akusasyon ng kanyang kasalukuyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag.
Matatandaang si Michelle Lhor Bana-ag ay nagsumbong sa Raffy Tulfo in Action noong Martes upang magreklamo tungkol sa hindi pagbigay ng financial support ng komedyante sa tuwing hindi ito makipagtalik sa kanya.
Posted by Michelle Lhor Apuya Bana-ag on Thursday, September 26, 2019
Sa isang virtual press conference, sinabi ni idol Raffy na inaasahan niya na ang napag-usapang isyu sa pagitan ni Tekla at ng kanyang live-in partner ay malutas sa lalong madaling panahon.
Hinimok din niya ang dating co-host na "Wowowin" na makipag-ugnayan sa Raffy Tulfo in Action upang maipagtanggol niya ang kanyang sarili mula sa lahat ng mga akusasyong ibinato ni Michelle.
Posted by Michelle Lhor Apuya Bana-ag on Wednesday, December 6, 2017
Sa pagpapatuloy niya ng kanyang pahayag, inamin ng TV5 host na nakakabasa siya ng ilang mga puna sa social media na talagang may katuturan.
Narito ang naging pahayag ni idol Raffy Tulfo:
"Para sa akin, magkaayos na lang sana sila. Ako'y nakikinig din sa mga netizen."
"Then sabi ko, may point yung mga netizen so mas maganda kung magka-ayos na lang sila alang-alang sa kanilang anak,"
"May mga netizen na nagsasabi na baka pera lang ang habol nito at baka planted yung mga videos na ipinadala sa amin. Sabi ko, 'Pwede.’ "
"So mas maganda sana kung nakikinig si Tekla, kung magsasalita ka tomorrow, alam mo naman sir na patas ako, then pwede kang magsalita para mapakinggan ka,”
Comments
Post a Comment