Pulong Duterte nahalal bilang chairman ng Committee on Accounts

Kasunod ng pagpapalit ng House Speakership, pinalitan na din ang namumuno sa House Commiitee on Accounts at nahalal si Presidential son at Davao Representative Paolo Duterte.
Papalitan ni Pulong sa nasabing posisyon si Cavite Rep. Abraham Tolentino.

Una nagmosyon si Deputy Majority Leader Juan Pablo "Rimpy" Bondoc na mahalal sa nasabing pwesto ang Presidential son at walang naging pagtutol sa mosyon.
Ayon sa website ng Kamara, ang Committee on Account ay inaatasan na harapin ang "lahat ng mga bagay nang direkta at pangunahing may kinalaman sa internal budget ng Kamara kabilang ang paghahanda sa badyet, pagsusumite at pag-apruba, pagbigay, accounting, at financial operations."
Sa ilalim ng 2021 National Expenditure Program, ang Kamara ay may panukalang badyet na P15.6 bilyon para sa susunod na taon.
Ang halagang ito ay mas mababa kaysa sa P15.8 bilyon na natanggap ng kamara sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act.
Comments
Post a Comment