Pastor Apollo Quiboloy, nagsalita sa muling pag-ere ng It's Showtime sa Telebisyon

Sa programa ni Pastor Apollo Quiboloy noong October 9, 2020, hiningan siya ng isang viewer ng kanyang reaksyon patungkol sa muling pag-ere ng It’s Showtime sa television station na pag-aari ni Bro. Eddie Villanueva.
"Okey lang po ba na ipalabas sa TV o i-tolerate ang homosexual activity ni Vice Ganda sa isang religious TV Channel?” ang tanong kay Pastor Quiboloy.
"Tanungin natin si Bro. Eddie Villanueva kung ano ang masasabi niya rito,” ang sagot ni Quiboloy.
"Kasi kung lalabas diyan si Vice Ganda o ang ABS-CBN, may mga show na ganyan, ito-tolerate ba ng isang nagmamay-ari, ng isang religious leader, nagmamay-ari ng isang istasyon na papayagan ba niyang yan ay ipalabas sa kanya na parang you are espousing homosexuality which is against the faith that you are preaching? Sa kanya natin iyon itanong.” pahayag ni pastor Quiboloy.
"Kung ako ang may-ari niyan, puwede kong ipaarkila pero may kasulatan na gagawin: 'Do not promote this here,' Tulad sa SMNI, mag-advertise ka, pero walang vices. Food products pwede, pero sin products, hindi pwede."
"Sin products, hindi pwede yan sa SMNI pero food products, okey yan o ano pa yang produkto.
"It does not go against our principle of obedience to the will of the Father, Kung ako yung may-ari. Hindi naman ako yung may-ari ng Channel 11, so sa kanya natin itanong."
"O, Brother Eddie, maraming nagtatanong, papayagan ho daw ba ninyo na ipalalabas ang palabas na people who are espousing homosexuality and openly?
"Openly... this is on television promoting this. So intayin natin ang sagot ni Bro. Eddie diyan. Ako, alam n’yo na ang sagot ko,” dagdag pa ni pastor Quiboloy.
Live nang mapapanood sa A2Z channel ang It’s Showtime araw-araw.
Matatandaang naging kontrobersiyal ang bangayan nina Pastor Quiboloy at Vice Ganda noong nakaraang taon dahil sa hamon ng It's Showtime host na ipahinto ng religious leader ang traffic sa EDSA, pati na ang primetime action drama series ni Coco Martin na Ang Probinsyano.
Comments
Post a Comment