Nova Parojinog makailang ulit umanong tinangkang gahas*in sa loob ng Camp Crame

Sinibak sa pwesto ng PNP ang hepe ng kanilang custodial Service Unit na si Lt. Col. Jigger Noceda matapos ireklamo ni dating Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog sa pagtangkang panggagahasa kamakailan.
Batay sa testimonya ni Parojinog, inakusahan niya ang pulis na makailang ulit na dinikdik siya nito sa pader at pinaghahalikan at pinaghihipuan matapos itong ipatawag sa kanyang opisina.

Tinanong din umano siya ng pulis kung mabubuntis pa ito.
Mariin naman kinondena ng liderato ng Philippine National Police ang ginawang ito ni Noceda.
Ayon kay PNP Spokesman P/Col. Ysmael Yu, hindi aniya nila kailanman kukonsintihin ang maling ginawa ni Noceda lalo’t labag ito sa pagbabagong ipinatutupad ni PNP Chief P/Gen. Camilo Cascolan na responsable, tapat, ginagalang at disiplinadong pulis.
Kasalukuyan na aniyang nasa restrictive custody sa PNP headquarters support service sa Kampo Crame si Noceda na una nang nasibak sa puwesto noon pang Setyembre 30.
Matatandaang ikinulong si Parojinog sa Camp Crame, Quezon City matapos ang isang madugong anti-illegal drug raid sa compound ng pamilya nito taong 2017.
Comments
Post a Comment