Not a Prank, Alex Gonzaga at mga magulang tinamaan ng COVID-19

Inihayag ni Alex Gonzaga na siya at ang kanyang pamilya ay gumaling mula sa COVID-19 matapos na tamaan ng sakit ilang linggo na ang nakalilipas.
Binahagi niya ang kanilang karanasan sa isang vlog sa kanyang YouTube channel kahapon, Oktubre 23.
“Maraming nagtatanong sa akin kung bakit di pa ko lumalabas sa ‘Lunch Out Loud.’ Hindi po ako nagpapakita sa show kasi nagka-COVID po ako and thank God ako ay naka-survive,”
“Nagka-COVID po ako, and thank God, ako ay naka-survive. Actually, the whole family. Nagkaroon po ng outbreak dito sa bahay ,”
Bukod sa kanyang mga magulang nahawa din ang kasamahan nila sa bahay na si Sophie at pati na rin ang konsehal na nobyo ni Alex na si Mikee Morada.

Nilinaw naman ni Alex na nag negatibo na sila matapos nilang sumailalim sa 14 na araw ng home quarantine.
"Hindi ko po ito nakuha sa work kundi sa kasamahan namin sa bahay na lumabas para lang kumain. My parents have been very careful na di lumabas kaya nakakalungkot na pati sila nahawa but praise God sila naman ay asymptomatic. Ito ang pinagdadaanan ko for the past 3 weeks at MAGALING na kami lahat🙏🏼"
Sa pagtatapos ng kanyang vlog, pinayuhan ni Alex ang kanyang mga manonood na maging ma-ingat at wag maging makasarili habang may pandemiya.
“It made me realize that during this pandemic, we should start thinking about other people. It is not about you. It is about the people around you. Para mas maiwasan nating makahawa,”
“As much as possible, you have to really take care of your body and boost your immune system kahit nasa loob lang kayo ng bahay.”
Comments
Post a Comment