NDRRMC #RollyPH maihahalintulad sa Bagyong Tisoy noong 2019




Sinabi ni NDRRMC executive director Undersecretary Ricardo Jalad nitong Biyernes na ang Bagyong Rolly ay maihahalintulad sa Bagyong Tisoy na tumama sa mga lalawigan sa Luzon at Visayas noong nakaraang taon.

"Base sa presentation ng PAGASA kanina, sa tingin ko parang kasing-lakas siya ng Typhoon Tisoy last year. Si Typhoon Tisoy last year, mas kakaunti 'yung casualties natin kaysa kay Ursula, 'yung sumunod kay Tisoy. Dahil dito kay Tisoy marami 'yung talagang preemptive evacuations natin," pahayag ni Jalad sa isang online press briefing.

Nag-iwan si bagyong Tisoy ng hindi bababa sa 12 patay at 54 indibidwal na sugatan. Mahigit 225,000 na pamilya mula sa Region III, V, VIII at Cordillera Administrative Region (CAR) ang naapektuhan ng bagyo.

Nilinaw din ng NDRRMC na hindi papalo si Rolly sa supertyphoon.

"Sa official na advisory sa atin ng PAGASA, ito'y aabot sa typhoon level lang, ang pinakamalakas na nakikita niya na hangin na dadalhin ay nasa 185 kilometers per hour," sabi ni Jalad.

"Napaliwanag naman 'yan ng PAGASA na ang pagkaiba ng forecast ng Hawaii at PAGASA ay dahil sa magkaiba 'yung kanilang parameters," dagdag nito.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo