Nakakulong na aktibista nabisita na ang burol ng pumanaw na anak

Nadalaw sa unang pagkakataon ng bilanggong aktibista na si Reina Mae Nasino ang burol ng kaniyang 3 buwang gulang na anak.
Binawian ng buhay noong nakaraang linggo ang sanggol na si River dahil sa pulmonya, 2 buwan matapos mawalay sa ina.
LOOK: Reina Mae Nasino, in full PPE, visits Baby River at La Funeraria Rey in Pandacan, Manila. pic.twitter.com/5KTroUThAG
— Nicole Lagrimas (@nclagrimas) October 14, 2020
Tipid man sa salita, napaiyak ang 23 anyos na ina.
"Masakit sa akin, sabik na ako na makita anak ko pero 'di sa ganyang kalagayan," ani Nasino.
"Nawala pa 'yong isa sa mga kinasabikan ko sa paglaya ko, nawala, pero 'di ibig sabihin noon na 'di ako sabik na lumaya talaga," dagdag niya.
📸 Kapatid @gmanews pic.twitter.com/7vgZnkxmNM
— Nicole Lagrimas (@nclagrimas) October 14, 2020
"Walang puso 'yong nagdesisyon noon. Noong nabubuhay pa 'yong anak ko, pinagkait din sa akin na makasama anak ko, makalinga ko, pati ba naman sa burol, pinagkait din sa akin?" ani Reina.
Hanggang ngayon, iginigiit ni Reina na inosente siya.
Nobyembre 2019 nang mahuli si Reina sa Tondo, Maynila— bahagi ng umano'y crackdown sa mga makakaliwa.
Kinasuhan siya ng illegal possession of firearms and explosives.
Reina Mae Nasino leaves the funeral home, pulled out by jail staff before 4 p.m. She was given by the court until 4 to stay at the wake. The next and the last time she will see her daughter is on Friday, the day of the burial. @gmanews pic.twitter.com/i0bgJR9UPn
— Nicole Lagrimas (@nclagrimas) October 14, 2020
"Hindi makatao 'yong paghuli sa akin. Biglaan kaming pinasok nang wala kaming kamalay-malay. Tinaniman kami ng granada," ani Reina.
Comments
Post a Comment