Miss Philippines 2019 Winners, Humingi ng Tulong kay Tulfo Dahil Hindi Binigay ang kanilang Premyo

Limang nagwagi sa Miss Philippines 2019 ang nagtungo kay Raffy Tulfo upang humingi ng tulong dahil hindi pa umano binabayaran ang kanilang mga cash prize ng organizer hanggang ngayon.
Si Miss Philippines 2019 Arlove De Jesus at ang kanyang apat na runner-up - Jamilla Van Gestel (first), Joanna Valencia (second), Camille Llorente (third), at Charity Dawn Jamon (fourth) - ay nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa president ng organization, na si Victor Torre , sa isang virtual interview sa online show na "Raffy Tulfo in Action" noong Miyerkules.
Ayon sa mga beauty queen, halos isang taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin ibinibigay ang mga premyo sa mga nagwagi sa pageant.
Sinabi sa kanila na makakakuha sila ng libu-libong gantimpalang salapi dalawang buwan pagkatapos ng pageant.
Subalit, nang nagkita sila, binibigyan lamang sila ng kalahati at ang natitira ay ibibigay umano pagkatapos ng anim na buwan.
At ang unang tseke na ibinigay sa kanila ay tumalbog pa.
Kinonsulta ni idol Raffy Tuulfo si Atty. Garreth Tungol sa pamamagitan ng video call, at ayon dito maaari silang magsampa ng large-scale estafa laban sa president ng organization na si Victor Torre.
Ayon pa kay atty. Tungol, si Torre ay maaaring humarap sa pagkakabilanggo ng hanggang 12 taon kung mapatunayan siyang nagkasala.
Comments
Post a Comment