Mga Lugar kung Saan Maaring Kumuha ng National ID

Sinabi ni Interior Undersecretary at spokesperson na si Jonathan Malaya na ang pre-registration para sa implementation ng national ID system ay ilulunsad sa 32 mga lalawigan na may pinakamababang bilang ng mga kaso ng Covid-19, sa Oktubre 7.
Ang 32 lalawigan ay ang mga sumusunod:
- Ilocos Sur
- La Union
- Pangasinan
- Cagayan
- Isabela
- Bataan
- Bulacan
- Nueva Ecija
- Pampanga
- Tarlac
- Zambales
- Batangas
- Cavite
- Laguna
- Quezon
- Rizal
- Albay
- Camarines Sur
- Masbate
- Antique
- Capiz
- Iloilo
- Negros Occidental
- Bohol
- Cebu
- Negros Oriental
- Leyte
- Compostela Valley
- Davao Del Norte
- Davao Del Sur
- Davao Occidental
- Tawi-Tawi
"Ayaw natin madaliin because of the Covid-19 so gumawa tayo ng sistema para makapagsimula na ng proseso. ” sinabi ni Interior Undersecretary and spokesperson Jonathan Malaya sa isang phone interview.
Gamit ang pre-registration scheme, ang Philippine Statistics Authority (PSA) ay magbabahay-bahay upang mangolekta ng basic data tulad ng kasarian at mga pangalan upang matiyak ang physical distancing.
Binigyang diin ni Sec. Malaya na ang national ID system ay naglalayong gawing isang ID na lamang ang gagamitin sa bansa.
Maglalaman ang ID ng Philippine identification system (PhilSys) number, full name, facial image, sex, date of birth, blood type at address ng concerned indibidwal.
Source: https://www.pna.gov.ph/articles/1117395
Comments
Post a Comment