Mga Guro sa Batangas umaakyat sa bubong ng paaralan para maka-connect sa internet

October 5, 2020 unang araw ng pagbubukas ng klase sa Pilipinas.
Viral sa social media ngayon ang grupo mga guro na umakyat sa bubong ng Sto. Nino National High School sa Batangas City.

Kaya raw umakyat ng bubong ang mga ito kahit tirik ang araw ay para maka-connect sa internet at maipagpatuloy ang pagganap sa kanilang tungkulin sa mga mag aaral ngayong balik-eskwela na.

Paliwanag ng school principal na si Eleneth Escalona, mahina umano talaga ang WIFI at mobile data signal sa paaralan nila dahil nasa liblib na lugar ito.

Ngayong may pandemya sa bansa, nasa 22 million na public school students ang sasabak sa distance learning.
Comments
Post a Comment