Mahigit P2 bilyon na kinita: Ganito pala ginagastos ni idol Raffy Tulfo ang perang kinikita niya mula sa YouTube




Sa tinatayang mahigit P2 bilyong kita at patuloy pang nadaragdagan mula sa kanyang YouTube channel, na mayroong higit sa 15 milyong mga suscribers, madaling magtaka kung paano ginagastos ni idol Raffy Tulfo ang kanyang pera.

Sinubukan itong alamin ng mga reporters noong nakaraang linggo sa isang virtual press conference kasama si idol Raffy Tulfo, at ang broadcast journalist naman ay kusang nagbigay ng ilang detalye sa kung paano niya ginagamit  ang kanyang mga kinikita.


View this post on Instagram

14 MILLION AND COUNTING 😊 SALAMAT MGA IDOL!

A post shared by Raffy Tulfo (@raffytulfoinaction) on

Ibinahagi ni idol Raffy Tulfo na "malaking" bahagi ng kanyang pera ay papunta sa pagtulong sa iba, lalo na sa mga mahihirap niyang kababayan, bagaman hindi niya tinukoy sa kung anong paraan.

“Malaking portion po no’n ay pinantutulong natin sa mga kababayan natin,” sabi niya. “So may pinunupuntahan naman po, para do’n sa mga nangangailangan.” 

Dagdag pa nito, gayunpaman, na hindi lahat ng ito ay napupunta sa kawanggawa: “Of course, mayroon ding parte do’n na nagagamit ko. I’ll be lying ‘pag sasabihin kong lahat napupunta 100 percent do’n sa tulong. 

“Mayroon din pong napupunta sa akin, sa pangangailangan ko, sa pamilya ko. Pero a big part of that money goes to helping the poor.” 

Sinabi din niya na hindi siya nag-aalangan na gumastos para sa kanyang ina, subalit ibang usapan na umano pagdating sa kanyang mga kapatid.

“Iyong mga kapatid ko, may mga pera [na] sila, so hindi na nila kailangan ang mga tulong ko. Baka mainsulto pa sila 'pag binigyan ko sila ng pera,” paliwanag ng King of Public service.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result