Lalaki, pinugutan ng ulo ng matalik na kaibigan

Patay ang isang lalaki matapos pugutan ng ulo ng matalik na kaibigan nito sa Barangay Trenchera, Tayug, Pangasinan.
Ang biktima ay nakilalang si Mario Costales, 47-anyos, residente ng Agno Tayug habang ang suspek ay ang bestfriend nitong si Joel dela Cruz, na residente ng Trenchera Tayug, Pangasinan.

Sa imbestigasyon ng mga pulis, masayang nag-iinuman ang biktima at suspek kasama ang mga kaibigan nang magkaroon ng mainitang pagtatalo hanggang sa tagain na gamit ng itak ng suspek sa batok ang kaibigan nito dahilan para maputulan ng ulo.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang insidente at kasalukuyang pinaghahanap.
Via Aksyon Radyo Pangasinan
Comments
Post a Comment