Lahat Pinagbebenta: Mga gamit sa condo ni Tekla pinag-bebenta rin daw ni Michelle Lhor

"Lahat pinagbebenta, ayaw ko nang i-mention, pero binenta niya... Di nila alam kung ilang libong gagastusin ko dito!" -Super Tekla
Doon makikita ang mga kalat na naiwan ng dating mga kasama ni Tekla sa kanyang condo unit na talaga namang hindi kaaya-ayang tingnan.
Nakangiti man ngunit mababakas pa rin sa mukha ni Tekla ang lungkot at sakit sa pinagdaraanan niya ngayon.
Habang sila'y naglilinis, na-kwento ni Tekla na fully-furnished niyang nakuha ang kanyang condo unit subalit naibenta di umano ng kanyang dating live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag ang mga gamit na nadatnan nila noon, kaya naman namomroblema siya ngayon sa pagbabayad sa mga ito.
"Namomroblema lang kasi ako noong nilipatan ko ito dito maayos lahat, so hindi ako makakaalis dito hangga't hindi ko siya naibabalik sa tamang kung anong itsura niya noong pinuntahan ko" sabi ni Tekla
"Lahat pinagbebenta, ayaw ko nang i-mention, pero binenta niya... Di nila alam kung ilang libong gagastusin ko dito!" dagdag pa niya.
Panoorin ang video sa ibaba:
Comments
Post a Comment