Lady grab driver na inaresto ng nakaalitang pulis, Nakalaya na

Nakalaya na mula sa kulungan ngayon Martes ang babaeng grab driver na si Florence Norial na nasangkot sa isang pakikipagtalo sa isang pulis sa Taguig City noong nakaraang linggo.
Ito ay kinumpirma ng hepe mismo ng pulisya ng Taguig City na si Police Colonel Celso Rodriguez.
Nagbayad ang kampo Norial ng P3,000 na piyansa para sa kasong unjust vexation na inireklamo sa kanya.
Samantala, ang mga reklamong alarm and scandal, direct assault and violation of Art. 151 of the Revised Penal Code ay dinismiss dahil sa kawalan ng probable cause.

Sa isang post sa Facebook, pinasasalamatan ng kasintahan ni Norial na si Mirza Miguel Shahzad ang lahat na nagpahayag ng suporta at nagpaabot ng tulong sa kanilang kampo.
"Marami pong salamat sa lahat ng tumulong sa amin.
Kay Sir Raffy Tulfo, Raffy Tulfo In Action, Grab Philippines, family and friends, at lalo po sa social media na tumulong para po maiabot kay Sir Raffy Tulfo ang nangyare.
Nailabas na po namin sya after almost 7 days.
Pumayat sya lalo pero we will do our best na ibalik ang sigla nya.
Di ko na po kayo maiisa-isa pasalamatan pero thank you po and God Bless!
If it can happen to us, it can happen to anyone.
P.S. In case po na maipanalo namin ang mga ikakaso laban sa kanila, kung may hindi maganda na mangyare sa amin.. alam nyo na po kung sino ang nasa likod nito.
Let's be realistic, pwede kami balikan anytime na gusto nila kahit ngayon or after magsettle etong pangyayare. We can only pray for our safety right now.
In God we trust."
Marami pong salamat sa lahat ng tumulong sa amin. Kay Sir Raffy Tulfo, Raffy Tulfo In Action, Grab Philippines, family...
Posted by Mirza Miguel Shahzad on Monday, October 12, 2020
UNJUST VEXATION? NAG PIYANSA NG 3,000 PISO? ABA, NUONG AKO AY MAKASUHAN NG PAREHONG KASO 35.00 PESOS LANG ANG IBINAYAD KO SA KORTE, TAPOS ANG KASO! WALANG KULONG. 3,000 PISO. SANA INILABAN NA LANG NIYA, O INAMIN ANG KASALANAN - SWENTENSYA: KABIY MULTA LANG IYAN. BAYAD KA NG MULTA. TAPOS ANG LABAN!
ReplyDelete