CONFIRMED: Buboy Villar at American Girlfriend Angillyn Gorens Hiwalay na

Hiwalay na ang aktor na si Buboy Villar, 21, at ang American girlfriend nitong si Angillyn Gorens, 22.
Ito ay kinumpirma ng magkabilang panig.

Ayon kay Angillyn, sinubukan nila ni Buboy na ayusin ang kanilang pagsasama pero hindi na talaga umubra.
“Naghiwalay kami ni Buboy two years ago, pero tinray pa rin naman namin i-workout pero we both realized na it wasn’t working na talaga.
“So, mutual decision naman na maghiwalay kami at maging parents na lang sa mga anak namin.” pahayag ni Angillyn.
“Arrangement namin sa mga anak namin is pwede niya dalawin anytime, or kunin sa bahay sila Vlanz at George.” Saad ni Angillyn
Si Angillyn ay kasalukuyang nasa Amerika kung saan siya nagtatrabaho at sa pamamagitan ng video call niya nakakausap at nakikita ang kanyang dalawang anak.
Si Buboy naman ay rumaraket ngayon sa pag vo-vlog para may mapagkakitaan.
Taong 2016 nang umamin si Buboy na nagli-live in na sila ni Angillyn. 17-anyos pa lamang siya noon.
Comments
Post a Comment