Janine Berdin, inaming nagparetoke siya ng kanyang ilong



Trending sa social media nitong nagdaang  linggo ang litrato ni Janine Berdin kung saan kapansin pansin ang malaking pagbabago sa kanyang itsura.

Humakot ito ng iba't-ibang komento mula sa mga netizens kung saan ang iba ay natuwa at ang mga iba ay negatibo sa bagong look ni Janine.


Sa interview nya sa Online Show ni Vice Ganda walang kaarte-arteng sinagot ni Janine Berdin  ang mga alegasyon umano ng pagpaparetoke nya.

“Yung biggest insecurity ko ay ‘yung nose ko, so ‘yun po ang in-enhance ko, ‘yung nose ko lang po,” sabi ni Janine.

“Bago lang po. Actually wala pa pong one month. Wala po akong naramdaman (na sakit). Hindi ko po alam baka kasi gustong gusto ko po ‘yung ginawa ko, pero wala po ako talagang naramdaman na sakit ever since day one po,” 

“Sabi ng mga friend ko, sabi nila, ‘Bakit ka nagpo-pose agad ng pictures?’ Sabi ko, ‘Excited na kasi talaga ako.’ Parang ang saya ko po talaga. Everytime I open my camera, tapos hindi ko po napigilan ang sarili ko. Parang wala lang. Ang saya ko lang po talaga. So ayon kahit wala pang one month sobrang naging excited lang po talaga ako,” 

Ipinaliwanag din ni Janine kung bakit napag desisyunan nyang mag pa-ayos ng kanyang ilong.

“Kitang-kita po na hindi ako masaya sa sarili ko dati. Kaya kapag pinapanood ko ang videos at photos ko ngayon ay ibang iba. Hindi lang po sa itsura kung hindi sa aura na ang saya ko na ngayon,” 

“Parang may nakita po akong comment na hindi ko raw po dapat i-promote ang self love, kasi if you love yourself, dapat tanggap niyo lahat ng flaws niyo. Ang opinion ko lang po if you love yourself, kung totoong love niyo ang sarili niyo, dapat you take time and effort to enhance yourself, to make yourself feel better. ‘Yun po ang pananaw ko sa self-love,”

“Kumakanta nga po ako lagi. Ang pinaka-effect lang po siguro is hindi ko masyado nagagalaw ang bibig ko. Parang hindi ko nao-open ng super. Pero now unti-unti na siyang bumabalk sa normal. ‘Yun lang po ang pinaka-effect,” 

“Let’s not be afraid of change and let’s not condemn change. Kung may gustong mag-change, ipa-change mo sila. Bahala sila basta masaya sila. So ‘yun lang. Oh my gosh, I can’t believe I’m saying this,” 

Si Janine ay sumikat matapos na itinanghal na Grand Winner sa ‘Tawag ng Tanghalan’Season 2 ng It’s Showtime.


Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result