Isang Netizen binahagi ang mahalagang aral na mapupulot sa isyu ni Tekla at ng live-in partner nito

Kamakailan-lamang ay isiniwalat ng isang netizen ang isa sa pinakamahalagang aral na makukuha ng mga tao mula sa kasalukuyang isyu ng Super Tekla at ng kanyang live-in partner.
Binahagi ng nasabing netizen ang kanyang karunungan sa comment section ng Raffy Tulfo sa Action YouTube channel.

Sinabi niya na ang isyu sa pagitan ng komedyante at ni Michelle Lhor Bana-ag ay maaaring magturo sa lahat ng mga kababaihan na masyadong umaasa sa kanilang mga asawa.
Nabanggit din ng netizen na dapat mag-aral ng mabuti ang mga kababaihan, maghanap ng disenteng trabaho, at pag-aralan kung paano maging independent minsan.

Dahil sa nabanggit na mga mungkahi, maaaring nang iwan ng mga misis ang kanilang mga asawa kung mayron silang gawing masama sa kanila.
“This is a life lesson to all women out there who depend too much on their husbands,” sabi ng netizen.
“Study hard, work, and be independent so that if they bribe you with money, you can pack up and leave with your children. No questions asked,” dagdag pa niya.
Posted by Nikka Otilla on Tuesday, October 20, 2020
Comments
Post a Comment