Isa na namang Pinoy vlogger ang pumanaw matapos na maaksidente

Trending sa social media ang nakakagulat na balita na isa pang Pilipinong vlogger ang pumanaw sa isang aksidente sa kanyang minamaneho na sasakyan.
Kinilala itong si Gelson Bagatua, nag-eedad sa bente uno anyos at isang vlogger mula sa Dipolog City

Ayon sa Heads Up Dipolog, nangyari umano ang aksidente bandang 3:00 ng umaga sa Dumaguete City kung saan binawian ng buhay ang vlogger.
Narito ang umano'y larawan ng insidente.

Si Gelson Bagatua ay may 40,582 followers sa kanyang Facebook account at may 10,700 na subscribers naman sa kanyang YouTube channel.
Kamakailan lang ay binigla ang publiko ng maagang pagkamatay ng dalawang kilalang vlogger sa bansa na sina Emman Nimedez at Lloyd Cafe Cadena.
"We were shocked and could hardly believe that you are gone so soon. We still had so much plans to make video content together in the future. You will surely be missed. Thank you so much for the fun memories that you shared. It will remain in our hearts forever. May you now rest in the permanent home that God has prepared for you.
-Duma Vibes Fam"
Comments
Post a Comment