Idol Raffy Tulfo, Pinagreretiro na

"Kailangan may pagmamahal ka sa iyong trabaho kasi kapag mahal na mahal mo ang trabaho mo, kahit mahirap pa iyan, kahit gaano kakumplikado iyan, at least, nakakabawas yung stress ng job na ‘yon because you love it,” -Raffy Tulfo
Binunyag ni idol Raffy Tulfo ng nakakagulat na balita patungkol sa kanyang kalusugan kamakailan sa programang "Idol in Action Mediacon."
Ayon kay Tulfo, pinapagreretiro na siya ng kanyang cardiologist mula sa kanyang nakaka-stress na trabaho alang-alang sa kanyang kalusugan.
"One of my cardiologists called me up. Kung puwede, mag-retire na raw ako. Stop ko raw muna itong ginagawa ko dahil napakinggan at napanood niya yung estilo ng programa ko." kwento ni Raffy Tulfo
Ayon sa doktor, maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa puso ni idol Raffy ang lahat ng tensyon, stress at mga kontrobersiya na araw-araw nitong kinakaharap sa kanyang programang Raffy Tulfo in Action.
"Sabi niya, eventually, baka tatamaan ka sa puso. Sabi ko sa kanya, ‘I know, but that really makes me happy. Meaning, nag-e-enjoy ako sa trabahong ito." dagdag ni Tulfo
"So kahit na may stress, nababawasan ang time, gusto ko naman talagang gawin iyon in the first place… "In fact, I’ve been seeing a lot of doctors about my health, and karamihan sa kanila, sa mga doktor na pinupuntahan ko, sinasabi that’s part of your stress." sabi ni Tulfo
Gayunpaman, sinabi ni Action Man na hindi pa siya handa na magretiro sa kabila ng panganib na ito dahil mahal niya at nag-eenjoy umano siya sa kanyang trabaho.
"Now, paano ko nama-manage yung aking stress? Kailangan may pagmamahal ka sa iyong trabaho kasi kapag mahal na mahal mo ang trabaho mo, kahit mahirap pa iyan, kahit gaano kakumplikado iyan, at least, nakakabawas yung stress ng job na ‘yon because you love it,” pahayag ni Raffy Tulfo.
Pano kming maliliit n tao ikaw lng idol ang matatakbuhan ng mga taong salat s lahat ng tulong n imbis n gobyerno ang tumulong inaabuso p
ReplyDeleteIkaw lng ang takbuhan ng mga inaapi ,gabayan k po ng panginoon at buong pamilya m
Ingatan mo sir idol raffy palagi ang kalusugan mo unahin mo nman ang kalusugan mo para po ndi k mgakaskit at marami kapang matulungan na mga nangangailangan at mga inaapi at inaabuso.mabuha ka..
ReplyDeleteIdol sana po gabayan k ni lord para s kaayusan ng iyong kalusugan, at naway mgtagal p ang iung program, dahil ikaw lng talaga ang mkakatulong s maliliit n mmamayan,, God bless you always idol raffy 🙏🙏🙏
ReplyDeleteSir idol raffy tulfo wag mna po sir mag retiro..pray for u God bless you always.froom ofw Singapore
ReplyDelete