Dismayado ang isang babae matapos bumili ng teeth cover online ng ito ay kanyang isukat

Sa Facebook post ni Aleahcim Eam Zetroc, hindi na ito bago sa mga nag viral na kwento ng online shopping.
Nag-order siya ng teeth cover online para ibigay sana sa kanyang nanay.
Ngunit tila iba ang ikinalabasan ng kanyang order kaysa sa nakalagay sa advertisement.
Ayon sa kanyang post, noong una ay excited pa siya dahil dumating na ang kanyang order na fake teeth cover para sa kanyang ina.
Sinukat niya ito at nagulat sa kinalabasan.
Sa kanyang pagkadismaya, ang fake teeth cover na nabili niya ay malayong-malayo raw sa advertisement na inaasahan niya.

Masiyadong malapad ang teeth cover at masiyadong malaki ang mga ito para sa kanyang bibig at hindi siya makapagsalita pag suot na niya ito.

Hindi tuloy maiwasang matawa ng maraming netizen sa itsura ni Aleahcim. Umani ito ng maraming mga nakakatuwang kumento.
"Parang yan ung ginagamit ng mga boksingero"
"Buti nalang cool ka ate, baka sa ibang customer yan pinangalanan pa yung store"
"Kulang na lang pangil?? Hehhe"
"Ingat po next time, hindi naman tayo na-inform na pang-costume ata yan"
"Nakakatuwa si ate, imbis na magalit, nakuha pa niyang magpatawa"
"Isauli mo nalang po yan, false advertisement po, sayang ang ibinayad"
"Ingat sa susunod sis, marami manloloko ngayon"
Akala ko pa naman totoo to tuwang-tuwa pako ibibigay ko sana to sa NANAY ko kaso sinukat ko muna putek na yan! 😂😂...
Posted by Aleahcim Eam Zetroc on Wednesday, October 14, 2020
Comments
Post a Comment