DepEd: Wag tambakan ng trabaho ang mga estudyante



Nagpaalala ang Department of Education sa mga guro na tantsahin lang at huwag tambakan ng mga schoolwork ang kanilang mga estudyante lalo na ngayong "blended learning" ang paraan ng pagtuturo dahil sa pandemya.

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na nauunawaan niya ang sitwasyon ng mga estudyante.

“Nauunawaan po natin ‘yan [sobrang aralin]. Magre-remind po tayo officially na kailangan yatang mag-synchronize. Meron na po kaming suggestion sa kapag homework na hindi sabay-sabay na mayroon,” sabi ni San Antonio.

“Tantsahin lang,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa opisyal, dapat bigyan ng mga guro ang kanilang mga estudyante ng sapat na oras at makatwirang deadline para magawa ng mga estudyante ang kani-kanilang mga shoolwork.

“Kung ano lang ang kaya ng bata, ‘yun lang muna. Hindi naman ito panahon na dapat super higpit tayo sa mga kung ano-anong ginagawa natin,” sabi ni San Antonio.


Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Pauleen Luna, Ginulat ang lahat sa kanyang sagot sa netizen na tinawag na 'pangit' si baby Tali

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo