DepEd, nag-sorry sa mga sablay na modules na kumakalat sa social media

Kumakalat ngayon sa social media ang mga mali-maling learning modules na ginagamit ng mga estudyante sa distance learning.
- letrang “L” ay para sa salitang “rabbit”
- larawan ng kuwago (owl) pero ang nakasulat ay ostrich
- pagpili ng kulay sa larawan gayung black and white ang nakalagay
- pagpili ng ingay ng eroplano na wala naman sa pagpipilian
Sinabi ng DepEd, hindi pa makumpirma kung sa kanila nga galing ang mali-maling modules na ito.

“Kasi ‘yung lahat ng pino-post sa social media, ang perception ng tao, kasalanan ni DepEd.
But may mga naa-identity kami na hindi naman sa amin,” sabi ni DepEd undersecretary Diosdado San Antonio.


Pero sa kabila nito, humingi na rin ng paumanhin ang DepEd kaugnay sa mga sablay na modules.
“Sincerest apologies sa mga na-o-offend o sumasama ang loob na hindi namin ito nape-perpekto.
Sa ngayon po talaga hindi pa operational ‘yung pinaka ideal naming quality assurance mechanism,” ayon kay San Antonio.

Nakiusap naman ang DepEd sa mga nagpo-post ng mali na modules na alamin kung saan galing ang mga ito para mahanap at nang maitama kaagad.
Comments
Post a Comment