Buboy Villar, Nagsalita na upang bigyang-linaw ang hiwalayan nila ni Angillyn Gorens




Naudlot man ang pag-iibigan nina Buboy at Angilyn, nananatili silang magkaibigan at  nagkasundong hindi pababayaan ang kanilang dalawang anak.

Narito ang official statement ni Buboy Villar tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang dating American partner na si Angillyn Gorens.

“Actually po, two years na po kasi kaming wala rin talaga 'no so nag-decide lang po talaga kaming dalawa 'no. 

Although marami nga nagtatanong at nag-e-expect pa rin po 'yung ibang tao na kami. 

Siguro dapat talagang malaman din ng iba kasi nga ayaw ko rin naman na parang ma-stress nga si Angillyn kasi nga ang daming nagtatanong, although hindi naman din siya masyadong ma-social [media] kasi nga ganun nga 'yung parang buhay niya doon. 

Parang lagi siyang nagtatrabaho. 

So nag-decide kami na sabihin sa public.

“At mahalaga naman doon, maayos kaming dalawa at napapag-usapan namin 'yung mga anak namin na pinakaimportante sa amin sa lahat ng bagay. 

Ngayon magkaibigan naman po kami at parehas po kaming focused sa journey po naming dalawa which is siya nagtatrabaho po ngayon sa Amerika at ako po naman ay focused po ako sa aking career at sa aking pagiging tatay sa aking mga anak.”

Taong 2016 nang umamin si Buboy na nagli-live in na sila ni Angillyn. 17-anyos pa lamang siya noon.

May dalawa silang anak, sina Vlanz Karollyn, 3 at George Michael, 1 na nasa pangangalaga ngayon ng mga magulang ni Angillyn.


Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

"Duguan si Tekla sa kamay, sa leeg" Lihim na iskandalo ni Michelle sa Tacloban noong 2017

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH