Bossing, nagsalita na tungkol sa pang-lalait sa anak niyang si Tali



Nagsalita na si Vic Sotto tungkol sa pang-lalait na natanggap kamakailan ng bunso niyang anak na si Tali Sotto.

Sa interview, sinabi ni Bossing na sa kabila ng pambabatikos na natatanggap ni Tali, mas mahalaga pa rin na mas marami itong napapasaya at napapangiti.

“Ang importante naman, higit na nakararami 'yung napapasaya ni Tali. Napapa-smile niya sa araw-araw sa tuwing magpo-post ang kanyang nanay.

“Tapos 'yung mga ilan na hindi natutuwa, hindi ko na lang pinapansin 'yon. Pinagpapasa-Diyos ko na lang 'yon.

“I try to understand these people dahil malay natin baka may pinagdadaanan o may problema lang sa buhay, mainit ang ulo niya at the time. Iniintindi ko na lang 'yon.

“Mas importante, mas nakararami 'yung good comments,” aniya.

Nanawagan din si Bossing na maging responsable sa paggamit ng social media.

“One of the risks, disadvantage lalo na sa social media ngayon, mayroon din talaga tayong mga kababayan ngayon na iresponsable sa paggamit ng social media.

“Hindi naman natin mako-correct ang mga ugali nila. Bahala na sila. Kanya-kanya namang opinyon 'yan. Nasa demokrasya tayo pero let's be responsible sa ating mga post, sa ating mga comment,” dagdag pa niya.



Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result