Bagong-bukas na gasolinahan, hinoldap ng 4 na lalaki

Nakunan ng CCTV ang panghoholdap na ginawa ng apat na lalaki sa isang kabubukas lang na gasolinahan sa Pagadian City, Zamboanga del Sur.
Mapapanood sa video na isa sa mga salarin ang puwersahang pumasok sa kinaroroonan ng cashier at kinuha ang P180,000 na kita.
Mapapanood sa video na puwersahang pumasok ang isa sa mga kawatan sa opisina ng cashier tsaka tinangay ang P180,000 na kita ng gasolinahan.
Kinuha din ng mga salarin ang baril ng guwardiya.
Kasalukuyang pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga kawatan.
Comments
Post a Comment