Angel Locsin, bumuwelta sa mga bashers na nag body-shaming sa kanya



"Katawan ko 'to. Ako 'to, sarili ko 'to. E, ikaw, okey ka ba?"

Trending sa social media ngayon ang mga larawan ng kapamilya aktres na si Angel Locsin na kuha ng isang netizen sa isang simbahan sa Caloocan City.

Kapansin-pansin sa larawan ang biglang paglobo ng katawan ng 35-taong-gulang na aktres habang nag-shoot para sa kanyang online program. 

Maraming netizens at mga tagahanha ang nag-alala sa kalusugan ni Angel. 

Subalit sa kabilang banda ay may ibang netizens naman na nang-bash sa pagbabago sa katawan ng aktres.

Hindi na bago ang isyung ito para sa aktres, matatatandaang taong 2019 nang una siyang nakatanggap ng mga batikos parikular ang body-shaming.

Hindi naman nagpatinag ang aktres sa bashers na panay ang batikos sa kanyang pangangatawan.

Sa kanyang interview sa Tonight With Boy Abunda noong January 29, 2019 sinabi ni Angel, "Kung iisipin mo, parang maaawa ka na lang sa tao kasi anong klaseng person ka para magawa mo yun? Perfect? Perfect ka? Sobrang perfect mo?"

Patuloy ng aktres, "Hindi mo na lang papatulan. May mga bagay na hindi mo gagawin sa kapwa mo.

"So itong taong 'to, comfortable siya na ginagawa niya 'yan, parang ayoko mag-deal sa mga ganung klaseng mga tao.

"Kasi ang sad, ang sad ng life niya."

"Kasi ako, wala akong problema. Ba't ikaw ang dami mong issue? Ako nga walang issue, e.

"Katawan ko 'to. Ako 'to, sarili ko 'to. E, ikaw, okey ka ba?"

Sinabi din ni Angel  na "for life" na ang pagkakaroon niya ng disc bulge.

Sa kabila nito, tanggap na raw ng aktres ang kanyang health condition para makapag-move on sa iba pang bagay na nais niyang gawin sa buhay.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result