Alagang pusa, nag-uwi ng P1,000 sa kanyang amo

Ayon sa post ng may-ari ng pusa na si April Jean, isang umaga ay bigla na lamang nag-uwi ng isang libong piso ang kaniyang alagang pusa.
"this morning i was so surprised when i saw my cat carrying something in his mouth and then he gave me this 😳 nasabi ko agad “Hooyyyy kenzie san mo ninakaw to”😄🤣"

Dagdag pa ni April jean, sinubukan raw niyang ipagtanong sa kanyang mga kapitbahay at mga kasamahan sa bahay kung may nawawala ba silang pera ngunit walang umaangkin dito.
“Naka-vault din po mga wallet at pera ko,”
Kinagiliwan naman ng netizens ang kaniyang alagang si Kenzie:

Comments
Post a Comment