Posts

Showing posts from October, 2020

TIKTOK video ni Shabby Bana-ag nag-viral na naman

Image
"Masyado ginalingan ko eh 五五五" Isa pang TikTok video ng kapatid na babae ni Michelle Bana-ag na si Shabby ang muling nag-viral. Sa pagkakataong ito, hindi siya gumagawa ng anumang kabastusan o anumang sinabi ngunit ipinakita niya ang kanyang mga dance moves sa nasabing video. Ipinakita ng kapatid ni Michelle sa video ang kanyang dance moves.  Kamakailan, nag-viral din ang isang video ng kapatid ni Michelle Bana-ag. Kung saan binanatan niya ang mga taong tumatawag sa kanyang mataba. Naging viral ang video lalo na tinawag din siyang "mataba" ni idol Raffy Tulfo sa isang episode kung saan binawi niya ang suporta para kay Michelle.

Signal No. 4 Nakataas na sa Catanduanes at sa eastern portion ng Camarines Sur dahil sa Bagyong Rolly

Image
Nakataas ang Signal No. 4 sa Catanduanes at sa eastern portion ng Camarines Sur habang napanatili ng Bagyong  Rolly ang lakas nito, ayon sa PAGASA.  UPDATE: As of 11:30 PM, tumatama na ang inner spiral rainbands ng Bagyong #RollyPH (#Goni) sa mga probinsya ng Catanduanes, Sorsogon, Albay at CamarinesSur at NorthernSamar na inaasahang magdadala na ng malalakas na pag-ulan at hangin. Sa mga susunod na oras ay inaasahang mahahagip na ng eyewall o pinakamapanganib na parte ng bagyo ang probinsya ng Catanduanes habang nalalapit ang pag-landfall nito bukas ng madaling araw.

TINARAYAN! Kapatid ni Michelle Bana-ag kinutya ang kanyang bashers online

Image
"Ok lang kahit mataba, wag lang maging mukhang hipon 不不五" Trending ngayon ang video ng kapatid ni Michelle Bana-ag kung saan sinupalpal nito ang mga taong tumatawag sa kanya ng mataba. Matatandaang sa isang episode ng Raffy Tulfo in Action, binawi ni Idol Raffy ang anumang suportang ibibigay sana kay Michelle at sinabi kay Michelle na si Baby Angelo ay dapat na nasa kustodiya ni Tekla.  Sa parehong episode, sinubukan ng kapatid ni Michelle na magsalita, kung saan sinabi ni Idol Raffy na hindi ayaw niyang makausap ang kapatid ni Michelle na mataba. Pagkatapos noon, naging viral ang video ng kapatid na babae ni Michelle kung saan kinutya niya ang sinumang tumawag sa kanya ng mataba.

DATING LANDLADY ni Michelle isiniwalat kung paano nito winasak ang dating inuupahang bahay!

Image
Isang landlady ng dating live-in partner ni Tekla na si Michelle Bana-ag ang hindi na napigilan na ilabas ang sama ng kanyang loob sa social media matapos niyang makita ang dati niyang mga tenant na pinag-uusapan at kinakampihan pa ng ilang mga netizens. Sa isang Facebook post pinakita ni Rose Marie ang mga litrato ng kanyang pinapaupahang bahay matapos itong bigla nalang iiwan ni Michelle at ng kanyang pamilya matapos nilang hindi makapagbayad ng upa.  Narito ang kanyang pahayag sa post: "Hindi ko sana to ilalabas kung hindi sila nagtulfo at akala mo aping api. Hindi ko rin to pinakalat para siraan sila. Isa lang ito sa paraan upang malaman ng ibang tao kung anu talaga ugali nila. Sila po ung sikat na ngayon sa #raffytulfoinaction , sila ay nangupahan sa amin at nagiwan ng mga bayarin. Sila rin ay Nakablotter sa kadahilanan ginawang tresspassing at paninira. 8 months na po ang nakakaraan. At ITO PA EVIDENCE NG KASALAHULAAN AT KADUGYUTANG GINAWA NILA SA AMIN." Hi

NDRRMC #RollyPH maihahalintulad sa Bagyong Tisoy noong 2019

Image
Sinabi ni NDRRMC executive director Undersecretary Ricardo Jalad nitong Biyernes na ang Bagyong Rolly ay maihahalintulad sa Bagyong Tisoy na tumama sa mga lalawigan sa Luzon at Visayas noong nakaraang taon. "Base sa presentation ng PAGASA kanina, sa tingin ko parang kasing-lakas siya ng Typhoon Tisoy last year. Si Typhoon Tisoy last year, mas kakaunti 'yung casualties natin kaysa kay Ursula, 'yung sumunod kay Tisoy. Dahil dito kay Tisoy marami 'yung talagang preemptive evacuations natin," pahayag ni Jalad sa isang online press briefing. Nag-iwan si bagyong Tisoy ng hindi bababa sa 12 patay at 54 indibidwal na sugatan. Mahigit 225,000 na pamilya mula sa Region III, V, VIII at Cordillera Administrative Region (CAR) ang naapektuhan ng bagyo. Nilinaw din ng NDRRMC na hindi papalo si Rolly sa supertyphoon. "Sa official na advisory sa atin ng PAGASA, ito'y aabot sa typhoon level lang, ang pinakamalakas na nakikita niya na hangin na dadalhin ay nasa 185 kil

KAPATID ni Michelle tinawag na bastos si idol Raffy Tulfo?

Image
"Bastos ♀ tinawag ba naman akong mataba 遲 bakit? Ako lang ba mataba sa mundo??!!!! Kahit mataba ako, maganda ako no!! " Kapatid ni Michelle Bana-ag na si Shabby ay hindi nakapagpigil sa pagtawag sa kanya ni idol Raffy na mataba ito. Rumesbak ito sa kanyang mismong social media account. Bilang inis umano nito at bilang ganti kay idol Raffy nananawagan ito sa social media na sinungaling din umano si idol Raffy at hindi nito maintindihan bakit sila pa ang kinakalaban samantalang sila umano ang ginutom at binastos ni Tekla. Halos sa mga videos niya pinaparingan nito ang mga netizen na bumabatikos sa kanya. Naiinis umano ito sa panlalait na kanyang natatanggap.  Balak pa sana niyang ireklamo ang mga taong binubully siya na mataba dahil ang totoo umano ay ginugutom sila at ginagawang alila ni Tekla. Subalit hindi na niya ito tinuloy dahil alam umano niyang hindi siya papanigan ni idol Raffy.

Madam Auring, Pumanaw na sa edad na 80

Image
Pumanaw na ang tinaguriang celebrity fortune teller na si Madam Auring sa edad na 80 ngayong Biyernes, October 30. Ito ay kinumpirma ng apo ni Madam Auring na si Daryl Simon Pecson sa pamamagitan ng isang Facebook post. Sa kaniyang post nagpasalamat si Pecson sa kaniyang lola na aniya ay patuloy na nagsumikap para sa kanilang pamilya sa kabila ng edad nito.  Hindi naman binanggit ni Pecson ang dahilan ng pagkamatay ni Madam Auring. Narito ang post ng apo ni Madam Auring:  “#RestInPeace my Lola. "few days ago binisita kita magkausap lang tayo, dinalhan kita ng mga pasalubong at mga pangangailangan mo lubos ka nagalak. “Grabe ang pinag daanan mo during your senior years pero you still worked hard for your family (us) i feel sad and happy.” “Sad kasi i will never see you again, mga wisdom words mo, korni jokes, happy bondings, and pagkurot sa aking pisngi hanggang mamula. “Happy ako kasi you have done everything you could to make us feel loved the way you know how, your strug

DITO Telecom target maging No. 1 Telco sa bansa

Image
Mukhang nakahanap na talaga ng katapat ang mga malalaking kompanyang Smart at Globe Telecom sa nalalapit na pagbubukas ng DITO Telecom. Sa isang virtual briefing sinabi ni DITO chief administrative officer Adel Tamano na ang kanilang 5G service ay magiging "superior" kaysa sa mga kakumpitensya dahil sila ay mag-aalok ng stand-alone 5G, na hindi umaasa sa umiiral na 4G technology. Kaugnay nito sinabi naman ni DITO  chief technology officer Rodolfo Santiago na kasalukuyang nakapagtayo na sila ng total na 1,532  towers sa bansa. Nagpahayag din ni Santiago ang hangarin ng DITO na maging number 1 na telecommunications sa bansa, na kasalukuyang pinamumunuan ng mga higanteng Globe at PLDT. “We don’t want to remain as the third telco, that’s why we said we’re the newest telco because we want to be No. 1,” sabi ni Santiago. Iba-iba naman ang naging reaksyon ng mga netizens dito: "Ok mga against jan .. pagtiisan nio ang globe at smart n palpak ah .. haha" "Expect tha

KIm Chiu, Binuking kung sino nga ba ang girlfriend ngayon ni Gerald Anderson?

Image
Sa isang episode ng Its Showtime, ang host at aktres na si Kim Chiu ay naging viral matapos nitong madulas sa paghahayag na marahil ay magkarealsyon talaga sina Gerald Anderson at Julia Barretto. Nangyari ito matapos makatanggap ang Queen of the Dance floor ng isang "fun-ishment" sa kanilang segment na "Mas Testing" kung saan kailangan niyang gayahin ang 4 na larawan ng kanyang dating kasintahan na si Gerald sa kanyang Instagram account. View this post on Instagram A post shared by Kim Chiu (@chinitaprincess) on Sep 23, 2020 at 8:04pm PDT “Meron pa kaya diyan! Meron pang basa-basaan, jello jello. Sino pang staff ang may gusto ng 11,000? Bakit!” sabi ni Kim. Sinabi pa niya na maaaring maging sanhi ito ng pagtatalo nila ng kanyang long time boyfriend na si Xiam Lim, ngunit wala siyang pagpipilian kundi gawin ang consequences. “Hi Xi, kung nanunuod ka ngayon, Xi, this is just a game. Xian Lim!” sinabi ng aktres. “Xi, alam mo naman ang totoo.

Bagyong Rolly, hihigitan ang lakas ni bagyong Quinta

Image
Nagbabala sa publiko ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa paparating na bagyong Rolly, na mas malakas ang impact kumpara kay “Quinta”. Ang bagyong Rolly ay inaasahang papasok sa bansa ngayong araw taglay ang lakas ng hangin na 110 kph at bugso na 135 kph. Samantala, isa pang sama ng panahon ang papalapit sa Philippine area of responsibility na namataan sa layong 2,435km silangan ng Mindanao. May lakas naman itong 55 kph at bugso na 70 kph. Kung papasok ito sa PAR ay tatawagin itong Siony.

KAPATID ni Michelle Bana-ag sinabing scripted ang maduming condo ni Tekla?

Image
"be vlogg yun scripted yun, inutusan nya kami kinalat din nya lahat ng gamit non kse vlogg panoorin mo." Kamakailan ay nag-viral ang vlog nina Donita at Tekla kung saan nilinis nila ang condo unit ni Tekla na dati ring tinirahan ni Michelle kasama ang kapatid at mga pamangkin nito.  Ayon sa isang screen shot ng convo na kumakalat ngayon sa Facebook sinabi ng isang Facebook user na may pangalang Ashley Makyuut na sinasabing kapatid ni Michelle Bana-ag na scripted at ikinalat lamang umano nila ang mga gamit para sa vlog ng Donekla.  Umalma naman si Donita Nose sa akusasyon na scripted ang vlog nila ni Tekla ng ipinakita nila ang condo unit ni Super Tekla. View this post on Instagram A post shared by Donita Nose (@donitanose) on Jan 16, 2020 at 11:35am PST Hindi nakapag-timpi si Donita at bumwelta laban sa mga paratang  sa kanila. "Hahaha gusto sumikat ni Ashley Makyuut. Kakagigil ka dae! SCRIPTED? Dinala namin ang mga ipis? Juskoo sana sumama ka

Super Tekla, inaming sinubukang makipag-balikan kay Michelle

Image
Ininterview si Super Tekla tungkol kay Michelle Lhor Bana-ag sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz sa YouTube. Inihayag ng komedyante kay Ogie na sinubukan niyang makipagbalikan kay Michelle sa kabila ng lahat na ginawa nito sa kanya. Ayon kay Tekla, sinubukan niyang makipagbalikan kay Michelle alang-alang sa kanilang anak na si baby Angelo at sa mga taon nilang pagsasama.  Gayunpaman, sa huli ay hindi nila nagawang magkasundo na magsamang muli bilang mag-asawa at pumayag na lamang na magtulungan sa pag-aalaga ng kanilang anak. "Yun 'yung pinaka-final na decision namin pero prior that, after sa nangyari ha, binigyan ko pa rin siya ng chance. Na sabi ko, 'Okay. Although nandoon na 'yung sakit, nandoon na 'yung judgment. Jinudge na tayo, nahubaran na tayo sa publiko. Sa buong mundo nahubaran na tayo." “Okay, for the sake, sabi ko sa kanya, may anak tayo. May dapat tayong asikasuhin kay Angelo, na hindi naman dapat ito eh, itong issue na 'to.&quo

Super Tekla may mensahe sa malusog na kapatid ni Michelle

Image
Trending ngayon sa social media ang part 2 interview ni Ogie Diaz kay Super Tekla, matapos mabisto na nagsisinungaling lamang ang dating live-in partner nito na si Michelle Lhor Bana-ag sa mga paratang nito sa komedyante. Sa YouTube vlog ng talent manager, tinanong ni Ogie si Tekla ng ganito: "Meron ka bang message dun sa kapatid na ginugutom mo daw?"  "Pero nakita yung katawan medyo malusog naman pala." Sumagot naman ang komedyante ng: "Message ko nalang sa kanila, magtrabaho kayo, magbanat kayo ng buto para maramdaman niyo kung ano halaga at sakripisyo." "Magtrabaho kayo, magsikap kayo, magbanat kayo ng buto yun ang sagot sa nararamdaman ko para maintindihan nyo ako." Panoorin ang pahayag ni Tekla sa ibaba:

Super Tekla may hamon kay Michelle Lhor Bana-ag

Image
Trending ngayon sa social media ang part 2 interview ni Ogie Diaz kay Super Tekla, matapos mabisto na nagsisinungaling lamang ang dating live-in partner nito na si Michelle Lhor Bana-ag sa mga paratang nito sa komedyante. Sa YouTube vlog ng talent manager, tinanong ni Ogie si Tekla ng ganito: "Pag lumapit si Michelle sa pinto mo kumatok?" Sumagot naman ang komedyante ng: "Unang-una hindi siya makapasok sa pinto kasi naka ban siya sa baba." "Eto, If you really love me you have to prove yourself." "Patunayan mo sa sarili mo na karapatdapat ka." Panoorin ang pahayag ni Tekla sa ibaba:

Tunay na dahilan kung bakit galit si Tekla sa video na ipinakita ni Michelle kay idol Raffy

Image
Kamakailan ay inamin ni Super Tekla kay Ogie Diaz kung bakit tila galit na galit siya sa video na ipinakita ni Michelle Lhor Bana-ag kay Raffy Tulfo. Sa vlog ng talent manager, dinetalye ni Tekla kung ano ang nag-uudyok sa para kumprontahin ang kanyang live-in partner. "Bakit that time na-ano namin sumisigaw ka? Nakita namin, napanood namin sumisigaw ka,” tanog ni Ogie. Sumagot si Tekla na binalaan siya ng isa sa kanyang mga kaibigan na nag-post laban sa kanya si Michelle sa social media na maaaring makaapekto sa kanyang imahe. "May isang kaibigan, nagmamalasakit, kasi naka-block na ako sa kanila e.” "Nagla-live pa ako sa labas. Nag-eentertain pa rin ako ng tao without knowing na may plan na sa likod ko.” “May isang nagmamalasakit na friend, nabasa ko sa comment section sa live ko na 'ina-ano ka ng partner mo'. Parang wina-warningan ako na 'baka mapahamak ka'. So, di ko pa nga pinansin e. And then hindi huminto 'yung friend ko na 'yon. I

Pangulong Duterte, Maagang bumisita sa puntod ng kanyang magulang sa Davao

Image
Ilang araw bago ang Undas, dinalaw ni Pangulong Duterte nitong Miyerkoles ng gabi ang puntod ng kaniyang mga magulang bago ang pagsasara ng mga sementeryo dahil sa COVID19.    Bumisita si Pangulong Duterte kagabi sa puntod ng kaniyang mga magulang na sina Vicente at Soledad Duterte, bago ang pagsasara ng mga sementeryo dahil sa #COVID19 pandemic sa gitna ng Undas 2020.  

Bagyong Rolly, inaasahang papasaok sa PAR ngayon araw

Image
Isang weather disturbance na papangalanang Rolly ang inaasahang papasok sa Philippine Area of ​​Responsibility (PAR) ngayon Huwebes ng umaga, ayon sa ulat. Ang bagyong Rolly ay inaasahang mag la landfall sa Bicol Region sa Linggo bago ito tutungo sa central at southern Luzon. Mayroon ding posibilidad na tumama ang sama ng panahon sa Metro Manila. Ang gma residente sa lalawigan ng Catanduanes ay naghahanda na para sa mga posibleng epekto ni Rolly habang bumabangaon pa sila sa mga epekto ng bagyong Quinta. Hindi bababa sa siyam na katao ang namatay sa pagsalakay ng bagyong Quinta sa Catanduanes. Tinamaan din ng bagyong Quinta ang Oriental Mindoro, na kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity.

Pananakit ni Ambassador Mauro sa kasambahay nitong kapwa Pinay sa Brazil, nahuli-cam

Image
Iniimbestigahan ng DFA ang 8 buwan na umano’y pagmamaltrato ni Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro sa 51-anyos niyang kasambahay na isa rin Pinoy na nangyari sa loob ng kaniyang official residence sa Brazil. Makikita sa video na sinampal, piningot, hinagisan ng gamit at tila kinurot ni Mauro ang kawawang 51-anyos na kasambahay. Sa video, makikita rin ang kasambahay na minsang napaupo na lang sa pag-iwas kay Mauro, at may pagkakataon na nagpahid siya ng mukha na tila naiyak na sa ginawa sa kaniya ng amo. Hiningan na umano ng panig si Mauro pero hindi raw ito tumugon. Kung mapatunayang nagkasala si Ambassador Mauro, papatawan daw ito ng DFA ng nararapat na kasong administratibo o kriminal.   

Super Tekla, Tatanggapin ulit si Michelle Lhor Bana-ag?

Image
"Na mi-miss mo ba si Michelle? Pag lumapit si Michelle sa pinto mo kumatok." -Ogie Diaz Trending ngayon sa social media ang latest interview ni Ogie Diaz kay Super Tekla, matapos mabisto na nagsisinungaling lamang ang dating live-in partner nito na si Michelle Lhor Bana-ag sa mga paratang nito sa komedyante. Sa interview na ipinost sa Youtube channel ni Ogie Diaz unang tinanong ni Ogie si Tekla sa kung ano ang kanyang saloobin sa nangyaring ito. Sa pagpapatuloy ng panayam, inamin ni Tekla na maraming beses siyang sinaktan ng pisikal ni Michelle sa halos buong  anim na taon nilang relasyon at mayroon siyang mga peklat upang mapatunayan ang mga ito. Ibinahagi din ng komedyante na mayroong isang pagkakataon na siya ay sugatan at duguan matapos siyang atakihin ni Michelle at ng kapatid nito. Inihayag din niya na maraming beses na niyang inireklamo si Michelle sa mga opisyal ng barangay. "Pagpunta ko ng baranggay hindi ako inertertain kasi first time daw nilang maka-encount

Mga babaeng online seller, hinoldap ginapos ang kamay at paa

Image
Bulacan - Mula sa orihinal na Facebook post ng biktima na si Shenaicka Ocalinas Cruz: "Hanggang ngaun di ko maisip saken samin ng mga kapatid ko mangyayari ung gantong pangyayari. Hinoldap po ung shop ko na ang bantay ung kapatid at ang mga kaibigan nya Nicolle Ann Ocalinas , Marjorie Gianan , MJ Francisco. Yung kaba at takot ko kanina nung nakita ko naka dapa sa Lapag at nakatali ang kamay at paa nilang tatlo naiyak ako sa sobrang awa at takot.   Alam ko kilala ko at kilala ako ng nag utos mag nakaw sa Shop dahil pinag kamalan nya na ako ung isa sa bantay na babae. Binanggit nya pangalan ko na naicka at paulit ulit daw ako minumura. Pera sa paluwagan ang pilit nyang kinukuha sa kapatid ko.   Nakakatakot sobraa di ko alam paano pa kami mag bubukas Ng Shop. 唐 Andami nakuha sa shop mga ibang hulog sa paluwagan , mga cp , loptop , atm , bankbook ko at pera nung tatlong bantay.   Di ko alam paano gagawin ko ngaun. Buti nlang at walang nangyari sa tatlo