Yorme Sinabon ang Nang-iwan sa isang Lola sa ilalim ng Tulay

Isang lola ang sinagip matapos siyang abandonahin sa ilalim ng Mc Arthur bridge sa Maynila.
Ang kawawang matanda ay namumutla at hinang-hina nang ito ay sagipin ng mga taga barangay.
Natukoy at inaresto ng Manila Police ang nangiwan sa matanda na kinilalang si Ephraim Tan Yap, 51, kamag-anak ng 76-year-old na biktima.
Kabilang naman sa inaresto sina Emerita Decilio accomplice ni Yap at si Rogelio Espino isang tricycle driver.
Dinala ang tatlo kay Manila Mayor Isko Moreno nitong Biyernes ng hapon.
Paliwanag ni Decilio na nawalan siya ng pag-asa dahil tumanggi ang mga charity center na tanggapin ang matandang babae kaya't iniwan nalang siya sa ilalim ng tulay. Ngunit, inalagaan daw niya ang matandang babae sa loob ng apat na araw.
"Kasi po hopeless na ko. Nagpunta po ako ng DSWD... hindi ko na po ano..." sabi niya
Pinagalitan ni Moreno ang tatlo sa ginawa nila sa matandang babae.
"Mayroon kayong kapabayaan... one, morally... Ang nanay, ang tatay, hindi tinatapon sa kalsada 'pag wala nang gamit," sermon ni Moreno.
"Hindi ninyo ginawa 'yun dahil gusto niyong tulungan, gusto niyong kumita. Nakakapanlambot kayo ng laman! Tatanda din kayo, tandaan ninyo 'yan... Magiging mahina din kayo. Magkakasakit tayo pare-pareho..." saad ng alkalde.
"Nakakapanlambot kayo ng laman... Aso nga kinukuha sa kalye, pusa nga kinukuha sa kalye. Tao pa?" sabi ni Moreno .
Kasalukuyang nasa ilalim ng pangangalaga ng Manila Department of Social Welfare ang 76-anyos lola.
Sa 15:10 timestamp makikita ang pagbuhos ng galit ni Yorme.
BREAKING: Nang-iwan sa matandang babae sa ilalim ng tulay arestado #AlertoManileno
Posted by Isko Moreno Domagoso on Thursday, September 3, 2020
Comments
Post a Comment