Yorme Isko kay Karen Davila: “Nakuha lang atensyon niyo dahil White Sand! Eh Paano kung Black Sand?”

Muling nakuha ang pansin ng mga netizen ni Manila City Mayor Isko Moreno matapos ang isang interview sa Kapamilya journalist na si Karen Davila tungkol sa isyu ng rehabilitasyong Manila Bay.
Sa panayam, pinag-usapan ng dalawa ang tungkol sa kontrobersya na kinakaharap ng nasabing proyekto, kasama na ang desisyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maglagay ng artipisyal na white sand na gawa sa Dolomite sa baybayin ng Manila Bay.
Sinabi ni Yorme na ang nasabing proyekto ay nagsimula dalawang taon na ang nakalipas at ang badyet nito ay naaprubahan ng mga mambabatas.
“So these lawmakers, I understand their feelings. But remember, they are part of the approval of the 2020 budget last year and it was presented to them one way or another,” sabi ni Mayor Moreno.
“Third, timeless. Eh two years ago pa ito eh. Hindi ito sinimulan nang isang linggo, isang buwan o nung January, this is two years ago,” dagdag nito.
Kinuwestiyon din ni Yorme ang pansin na natanggap ng white sand project.
“It’s just that your attention or some other individuals’ attention was called when it is white sand. But what if is black sand?” tanong ni Yorme kay Davila.
Comments
Post a Comment