White sand sa Manila Bay inaanod na?

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga larawang nagpapakita na inanod ang mga dinurog na dolomite sa Manila Bay.
Makikita sa mga litrato na tila bang naaagnas na ang mga Dolomite na itinambak dito matapos itng buksan sa publiko ilang araw ang nakalipas.
Narito ang iba pang mga larawan nagpapakita na tila ito'y inaanod na:




Ayon sa DENR, normal lang daw ang ganitong erosion at may mga inihanda na silang paraan para rito.

Sabi ni DENR Undersecretary Benny Antiporda sa mga kritiko ng Manila Bay Nourishment Project, hintayin na munang matapos ang proyekto.
“’Yung area na ‘yon is under construction pa. Under renovation pa siya, under nourishment pa siya so I don’t think it’s fair na mag-judge sila kaagad diyan,” saad ni Sec. Antiporda.
Comments
Post a Comment