White Sand Manila Bay Dinagsa ng daan-daang mga Migratory birds

Pansamantalang binuksan at pinasilip sa media at mga vloggers ngayon araw ang maliit na bahagi ng Manila Bay para sa gaganapin na celebration ng International Coastal Cleanup Day sa September 20, 2020.
Hindi pa man tapos ang Rehabilitation pero dinagsa na ito ng maraming Migratory Birds tulad ng mga Egrets o Tabon sa Bisaya.






Nagpasalamat naman si Manila mayor Isko Moreno kay DENR Secretary Roy Cimatu sa kanyang tuloy-tuloy na pangunguna sa rehabilitasyon ng Manila Bay.
Narito ang kanyang mensahe:
"Muli po tayong nagpapasalamat kay DENR Secretary Roy Cimatu sa kanyang tuloy-tuloy na pangunguna sa rehabilitasyon ng Manila Bay.
Ang Lungsod ng Maynila ang isa sa mga pangunahing lugar na makikinabang sa inyong pagpupunyagi.
Sa ginanap na programa para sa International Coastal Cleanup Day sa Roxas Boulevard kanina, dumatin din po at nakiisa sina Agriculture Secretary William Dar, DOLE Secretary Silvestre Bello, DSWD Secretary Rolando Bautista at MMDA Chairman Danny Lim.
Sa inyo pong lahat, kasama na po ang inyong mga tauhan at maging ang private sector, maraming maraming salamat po sa tuloy tuloy ninyong pagmamalasakit na linisin at buhayin ang Manila Bay.
Manila, God First!"

Comments
Post a Comment