Weather Update LPA Bagyong ‘Leon’

Isang low pressure area (LPA) na nasa silangang bahagi ng Visayas ang magpapaulan sa bansa sa linggong ito.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posible itong maging ganap na bagyo pagtawid sa Southern Luzon at bago lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR).
Sakaling maging ganap na bagyo ay tatawagin itong Bagyong ‘Leon’.
Huling namataan ang Low Pressure Area sa 225 kilometro hilagang kanluran ng Catarman, Northern Samar.
Makararanas ng maulap na panahon at kalat kalat na pag-ulan na may kasamang kidlat ang Metro Manila, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region at Aurora dahil sa Low Pressure Area (LPA)..
Sa nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng maulap na panahon at kalat kalat na pag-ulan.
Comments
Post a Comment