Weather Update Bagyong Leon magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa





Ganap nang isang bagyo ang Low Pressure Area (LPA) kagabi na binabantayan ng PAGASA.

Ngayong umaga, lumakas pa ang bagyo at umabot na sa tropical storm category.

Ang tropical storm “Leon” ay huling namataan sa layong 225 kilometers West Northwest ng Coron, Palawan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Walang nakataas na tropical cyclone wind signal sa bansa

Dahil sa bagyong Leon at sa Habagat, makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ngayong araw sa Aurora, Rizal, Palawan (kabilang ang Kalayaan, Calamian, at Cuyo Islands), Mindoro Provinces, Romblon, Western Visayas, at Negros Oriental.

Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Bicol Region, Caraga, Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Metro Manila, Isabela, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, nalalabing bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, at Visayas.

Bukas ng umaga ay inaasahang lalabas naman na ito ng Philippine Area of Responsibility.

Comments

Popular Posts

Ruby Rodriguez nagsalita na kung bakit hindi na napapanood sa Eat Bulaga

NBI Clearance, TIN, Birth Certificate Libre Na!

Vlogger na si Donnalyn Bartolome, nag-alala sa prediction ni Rudy Baldwin?

Nakatulog si idol Raffy sa Dami ng Pasikot-sikot ni Nanay na May ₱100k na Patong sa Ulo

Labanderang pinagmumulta ng P1,000 ng tanod dahil walang face mask, Tinulungan ni idol Raffy Tulfo

Malunggay, Panlaban sa Coronavirus Ayon sa DOH

Truck Driver na sinasabing anak ni John Regala, naluha sa kanilang DNA test result